Thursday, May 7, 2009

Fools in love

Br is a good friend...i wrote this when i was super down and BR is one of those SHEYYT friends that remained and guided me to the right path...bwehehehe...The real BR is a whole lot lovable than the male lead...hehehe..

Excerpt:

Naramdaman niya ang paghinto ng sasakyan. They stopped in front of a 24-hour Jollibee branch.
“Sa tingin ko ay hindi ka pa naghahapunan at nagugutom na naman ang mga bulate ko so we better eat first.”pag-iimporma ni BR.
She unfastened her seatbelt.
Hindi na niya kokontrahin ang sinabi nito dahil pati siya ay nakaramdam na rin ng pagkalam ng tiyan. She had her last meal at around 11 in the morning at brunch na niya iyon. Naging busy na siya buong maghapon sa pag-aasikaso sa deliveries ng mga bulalak sa Divisoria. Kinailangan niyang gampanan ang responsibilidad ni Lora dahil nagpunta ito sa doctor nito for her monthly check-up. Come to think of it, ni hindi pa siya nakakasama dito tuwing magtutungo ito sa doctor nito. Kung ang maiiwan lang sa flower shop ang problema ay puwede naman nilang ibilin ang pamamahala sa isa sa mga tauhan ng shop. Kaso kaya siya di nakakasama sa mga check-ups ni Lora ay dahil sa kahilangan ni Lora na hayaan na lang itong mag-isa na pumunta sa doktor nito.
How time flies. She had been adopted by Lora since she was fifteen and thirteen years have passed since then. Di makakailang tumatanda na rin ito. Kung physical appearance nito ang pagbabasehan ay hindi halatang in two years time ay magsisingkwenta na ito but Lora’s health is deteriorating. Hindi man ito nagrereklamo sa kanya ay napapansin niya na madali na itong mapagod. Kung noon ay nagagawa pa nitong magbiyahe papuntang Baguio once week para bisitahin ang flower farm sa ngayon ay siya na ang gumagawa nun.
Hindi na niya hinintay na pagbuksan pa siya ng pinto ni BR. Nagpatiuna na siya rito. Naiwan ito dahil sinigurado pa nito na nakalock ang pinto ng sasakyan. Marami-rami pa rin ang tao sa loob ng fastfood. Biyernes nga pala, siguradong karamihan sa mga nandoon ay gigimik.
Pumuwesto siya sa table na nasa sulok. Nang pumasok si BR ay hinanap ng paningin nito kung saan siya nakaupo at nang makita nito kung saan siya nakapuwesto ay dumiretso ito sa counter. Sa oras na lumapit ito ay makakatikim ito ng sermon mula sa kanya. Hindi man lang siya nito tinanong kung ano ang gusto niyang kainin.
Natagalan ito sa pagpila. Nang palapit na ito ay nakaready na siya kung paano sisimulan ang speech niya ngunit hindi siya nakapagsalita nang makita ng dami ng inorder nito. May nakasunod pang crew ng fastfood dito at may bitbit rin na tray ng pagkain.
“Ibaba mo lang diyan.”utos nito sa crew. “Salamat.”
Hinintay muna niya na makalayo ang crew bago nagtanong dito. “Huh! Binili mo ba lahat ng nasa menu nila?”
“Nope.” Nagsimula na itong kumain ng hamburger.
“And this is my share?” She pointed on the tray in front of her.May spaghetti, hamburger, fries at rocky road sundae sa tray niya.
”Alam mo ba na kai-”Hindi niya naituloy ang sasabihin niya dahil isinubo nito ang natira sa kinakaing hamburger nito. Pinandilatan niya na lang ito. BR really changed.
Change number 1, now he’s a dictator.

No comments: